Pinalawig ng Comelec hanggang March 31 ang absentee voters application.
Ipinagpaliban ng Comelec ang orihinal na deadline na itinakda sa March 7 upang mabigyan ng pagkakataon ang mas maraming nais mag-apply sa local absentee voting para sa May 2016 elections.
Kwalipikado sa local absentee voting ang mga botanteng mayroong updated voting status at mayroong kumpletong biometrics ngunit hindi makaboboto sa nakatakdang election day dahil kailangang maglingkod sa halalan.
Kasama sa pinapayagang mag-absentee voting ang mga pulis, sundalo, ilang kawani ng gobyerno at miyembro ng lehitimong ahensya ng gobyerno.