Abogado, sinuspinde ng Korte Suprema dahil sa malisyosong facebook post

by Radyo La Verdad | January 5, 2017 (Thursday) | 1203

supreme court
Pinatawan ng isang taong suspensyon ng Korte Suprema ang isang abogado dahil sa malisyosong facebook post nito.

Sa labingtatlong pahinang desisyon ng SC 1ST division na sinulat ni Justice Estela Perlas-Bernabe, napatunayang nilabag ni Atty. Argee Guevarra ang code of professional responsibility dahil sa hayagang pang-iinsulto at paninira sa reputasyon ng celebrity doctor na si Doktora Vicki Belo at ng Belo Medical Group.

Sa kanyang facebook posts noong 2009, tinawag ni Guevarra si Belo na ‘quack doctor, ‘reyna ng kaplastikan,’ ‘reyna ng payola,’ at ‘reyna ng kapalpakan.’

Abogado noon si Guevarra ng isang Josefina Norcio na naghain ng kasong kriminal laban kay Belo dahil sa pumalpak umanong operasyon sa puwetan (buttocks) nito.

Hindi kinatigan ng SC ang depensa ng abogado na mga facebook friends lamang niya ang maaaring makabasa sa kanyang posts dahil maaari itong i-share ng kanyang fb friends o kaya’y i-tag dito ang ibang tao.

(Roderic Mendoza / UNTV Correspondent)

Tags: ,