99 pulis na nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga, tinanggal na sa serbisyo

by Radyo La Verdad | February 10, 2017 (Friday) | 1071


Tinanggal na sa serbisyo ang siyamnapu’t siyam na pulis na nagpositibo sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Ayon kay Philippine National Police Internal Affairs Service General Inspector Atty. Alfegar Tiambulo, nilagdaan na ni PNP Chief Ronald Dela Rosa ang dismissal recommendation sa mga ito.

Maliban sa mga nasabing pulis, apatnapu pa ang irerekomenda ring matanggal sa serbisyo dahil sa kaparehong kaso at posibleng madagdagan pa ito dahil sa isinasagawang mandatory drug test sa mga pulis.

(Lea Ylagan / UNTV Correspondent)

Tags: ,