Inihayag ng Department of Foreign Affairs na natanggap na nila ang kumpirmasyon mula sa Chinese embassy sa Maynila na dadalo si Chinese President Xi Jinping sa APEC Economic Leaders Meeting sa November 18 at 19.
Ayon kay APEC 2015 National Organizing Council Director General Ambassador Marciano Payno Junior, lahat ng APEC 21 member economies ay inaasahang makukumpleto sa APEC Summit.
Hanggang sa kasalukuyan wala pang inilalabas na pahayag kung makakabilang ang pakikipagpulong ni Pangulong Aquino sa Chinese President sa naka-schedule nitong na 11 formal bilateral meetings .
Sa ngayon ayon kay Payno, handa na ang Pilipinas upang tumanggap ng delegasyon ng APEC Summit na inaasahan aabot sa sampung libong bisita ang dadalo sa pinakamalaking economic event na magaganap sa bansa ngayong taon.(Nel Maribojoc/UNTV Correspondent)
Tags: 2015 Economic Leaders Meeting, Chinese Pres. Xi Jinping, DFA, manila, November 18 at 19