Sisimulan na sa susunod na linggo ng Department of Education ang pagpapagawa ng Temporary Learning Spaces o TLS sa mga paaralan sa Bicol na matinding napinsala ng Bagyong Nina.
Mahigit sa 58-million pesos ang inilaang pondo para rito ng DepEd habang mahigit sa 12-million pesos naman ang budget para sa isasagawang clean up drive sa mga nasirang paaralan.
Ang bawat TLS na nagkakahalaga ng 60 thousand pesos ay itatayo sa apat na libong paaralan sa Bicol na nasira ng Bagyong Nina.
Inaasahang matatapos ang pagtatayo ng Temporary Learning Spaces ngayong buwan.
Ito ang magsisilbing pansamantalang silid-aralan ng mga estudyante hangga’t hindi naaayos ang kanilang mga paaralan.
Nagpapasalamat naman ang mga guro at estudyante sa ibibigay na ayuda ng DepEd.
(Hazel Rivero / UNTV Correspondent)
Tags: 973 Temporary Learning Spaces, itatayo sa mga paaralan sa Bicol na napinsala ng Bagyong Nina