China, mas pinalawak pa ang ginagawang reclamation sa West PHL Sea

by monaliza | March 17, 2015 (Tuesday) | 3934

WESTPHLSEA

May mga larawan na magpapatunay na mas pinalawak pa ng China ang reclamation activities sa West Philippine Sea sa pagpasok ng taong 2015.

Ayon kay Magdalo party-list Congressman Francisco Acedillo, ang mga larawan ay matibay na ebidensiya na patuloy ang reclamation activities ng China sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Acedillo na dati puro bato at buhangin lamang ang makikita sa bahaging ito ng karagatan pero ngayon ay mistula na itong mga isla.

Dagdag pa ni Acedillo, nagsasagawa na rin ng reclamation ang China sa Zamora Reef at Mischief Island.

Suspetsa ng kongresista, maaaring nais ng China na gawin itong forward operating bases ng kanilang mga barko at eroplano.

Sa ngayon, dagdag ni Acedillo, patuloy na sinusunod ng hukbong sandatahan ang utos ng dfa na huwag gumawa ng kahit anong hakbang sa West Philippine Sea na makakadiskaril sa arbitration case na isinampa ng bansa laban sa China.

Kaya habang naghihintay ng desisyon mula sa arbitration case, iminungkahi ni Acedillo na gumawa ng hakbang ang bansa para mas maprotektahan ang teritoryo nito tulad na lang ng pagtawag ng pagpupulong ng National Security Council.

Dapat din aniyang ipagpatuloy ang pagpapatrolya sa mga pinag-aagawang teritoryo para protektahan ang mga local na mangingisda laban sa pang-haharass ng mga Tsino. (Darlene Basingan/UNTV News Correspondent)

From Magdalo party-list Rep. Francisco Acedillo's Powerpoint presentation
From Magdalo party-list Rep. Francisco Acedillo’s Powerpoint presentation
ON-GOING CONSTRUCTION OF MULTI-STOREY CONCRETE  STRUCTURE AT CHIGUA (KENNAN) REEF
ON-GOING CONSTRUCTION OF MULTI-STOREY CONCRETE
STRUCTURE AT CHIGUA (KENNAN) REEF
ON-GOING CONSTRUCTION OF A MULTI-STOREY CONCRETE STRUCTURE  AT GAVEN REEF
ON-GOING CONSTRUCTION OF A MULTI-STOREY CONCRETE STRUCTURE
AT GAVEN REEF
ON-GOING CONSTRUCTION OF A MULTI-STOREY OCTAGONAL CONCRETE STRUCTURE AT MABINI (JOHNSON) REEF
ON-GOING CONSTRUCTION OF A MULTI-STOREY OCTAGONAL CONCRETE STRUCTURE AT MABINI (JOHNSON) REEF

Tags: , , , , , ,