Tatlong araw na ngayong pansamatalang nanunuluyan si Aling Sansie sa isang gusali na malapit sa Pasacao Port sa Camarines Norte.
Aniya mag-isa lamang siyang bumyahe buhat sa Maynila pauwi sa kanilang tahanan sa Burias Island sa Masbate subalit hindi sila nakabyahe dahil sa masamang panahon.
Ayon kay Aling Sansie, hindi naman sila pinababayaan ng lokal na pamahalaan dahil may mga ipinapadalang pagkain ang mga ito sa mga stranded passengers.
Sa tala ng Philippine Coast Guard (PCG), umabot na sa 96 ang bilang ng mga stranded sa Pasacao Port.
Ayon sa mga ito, minsan kahit na walang gale warning ay ang mga may-ari na mismo ng bangka ang nagkakansela ng byahe.
Ngayong araw ay inaasahan na madaragdagan pa ang bilang ng mga maaantalang pasahero sa Pasacao Port lalo na at mayroong panibagong bagyo na nagpapalakas sa habagat.
Maliban sa mga pasaherong stranded, may limang cargo vessel din na pansamantalang dumaong malapit sa pantalan para magpalipas ng masamang panahon.
( Allan Manansala / UNTV Correspondent )