96 na opisyal ng pamahalaan, posibleng makasuhan na dahil sa pagkasangkot sa iligal na droga – DILG

by Radyo La Verdad | November 13, 2018 (Tuesday) | 4694

Halos isandaang local government officials sa bansa ang maaaring makasuhan dahil sa pagkakasangkot sa iligal na droga ayon kay Department of the Interior and Local Government Secretary Eduardo Año.

Ito umano ang lumabas sa mga ebidensya at impormasyon na nakalap nila at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa patuloy nilang pagberipika sa mga personalidad na nasa narco list ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kaya naman handa rin ang DILG na irekomenda kay Pangulong Duterte na ilabas sa publiko ang narco list.

Lalo na aniya na panahon na ng eleksyon at dapat mabulgar ang mga umano’y pulitikong protektor at sangkot sa iligal na droga.

Hamon naman ni Senator Francis Escudero, agad nang ilabas ang naturang narco list. Magiging patas rin aniya ito sa mga pulitiko kung agad itong ilalabas.

Ayon sa senador, bahala na ang mga botante na magtimbang kung karapat-dapat na iboto ang mga personalidad na nasa umano’y narco list.

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

Tags: , ,