METRO MANILA, Philippines – Umabot sa 92% ang bilang ng mga Pilipino na may positibong pananaw sa pagpasok ng 2019 ayon sa survey ng Social Weather Station (SWS). Habang walong posyento naman ang nagsabing may pangamba sila sa pagdating ng taong 2019.
Bumaba ang bilang ng mga positibo ng apat na puntos kumpara sa 96% naitala noong 2017. Habang apat na puntos din ang itinaas ng bilang ng Pilipinong nakararamdam ng pangamba para sa taong ito. Ngunit nanatili pa rin itong mataas mula nang simulan nila ang survey noong 2000.
Samantala, nag-trending sa twitter ang #page1of365 kung saan puno ng pag-asa ang post ng mga netizen para sa taong 2019.
Ikinatuwa naman ng malakanyang ang resulta ng nasabing survey. Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang resulta ng nasabing survey ay nagpapakita lamang na hindi apektado ang mga Pilipino sa mga kritiko ng Pangulong Duterte.
Tags: Pangulong Rodrigo Duterte, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, Rodrigo Duterte