915 provincial road projects , natapos sa ilalim ng CMGP program ng pamahalaan

by Erika Endraca | June 5, 2021 (Saturday) | 1832

METRO MANILA – Umabot na sa kabuuang  915 provincial road projects ang natapos sa ilalim ng Conditional Matching Grant to Provinces (CMGP) ng gobyerno mula taong 2016 ayon sa  Department of the Interior and Local Government (DILG).

Rehabilitation, upgrading, at improvement ng core provincial roads at bridges  ang pangunahing layunin ng CMGP.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo M. Año, malaki ang maitutulong ng mga proyektong ito sa mga probinsya lalo na ngayong panahon ng pandemya  upang mas mabilis na makararating ang mga serbisyo ng pamahalaan tulad ng bakuna at ayuda sa mga malalayong lugar.

Samantala , sa 915 na completed road projects, 91 ay mula sa Region III; 85 sa CALABARZON; 76 sa Region II; 75 sa MIMAROPA ; 74 sa Region VIII at 74 naman sa Region X.

Dagdag pa rito , 65 completed road projects naman sa Region VI ;  63 sa Region XII ; 57 sa Cordillera Administrative Region ; 54 sa CARAGA at 51 sa Region 1.

Nakatapos din ng 47 road projects sa Region V; 44 sa Region XI; 27 sa Region VII; 18 sa ARMM; at 14 naman sa  Region IX.

Pumalo naman sa P39.192-Billion  ang kabuuang  gastos sa  915 road projects na ginawa sa mga nasabing rehiyon.

Ngayong taon,may nakalaan naman  na P350-Million para sa probinsya ng Ilocos Norte, La Union, Apayao, Benguet, Mountain Province, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Laguna, Western Samar, Davao Occidental, Dinagat Islands, at Agusan del Sur.

(Kyle Nowel Ballad|La Verdad Correspondent)

Tags: ,