Nagpaalala ang pamunuan ng AFP sa mga field troops nito sa posibleng pag-atake ng New People’s Army (NPA) ang armadong grupo ng Communist Party of the Philippines (CPP).
Ito ay dahil nalalapit na ang pagdiriwang ng ika-46 na founding anniversary ng NPA sa Marso 29.
Noong Biyernes, nasawi ang tatlong sundalo samantalang sugatan ang 15 iba pa na kabilang sa 2nd scout ranger batallion sa ginawang roadside bombing ng NPA sa Los Arcos, Prosperidad, Agusan Del Sur.
Pinag-dodoble ingat at inatasang magsagawa rin ng patrolya ang 4th Infantry Division sa mga komunidad, private at government installations sa Northeastern at Northern Mindanao sa mga pag-atake at kaguluhang maaaring isagawa ng NPA roon