9 sa 10 Pinoy, pabor pa rin sa Automated na botohan – Pulse Asia

by Erika Endraca | August 8, 2019 (Thursday) | 9808

Manila, Philippines – Kuntento ang higit na nakararaming Pilipino sa pagdaraos ng may 2019 Midterm Elections kaya’t pabor pa rin sila sa automated na botohan sa mga darating na halalan.

Batay sa survey ng Pulse Asia nitong Hunyo, 9 sa bawat 10 o 91% ng 1,200 na kanilang natanong ang gusto pa rin ng Automated Election System (AES).

Iyon ay dahil mas napadali ang proseso ng botohan at ang paglalabas ng resulta ng halalan.

“They feel that faster results made the elections more credible and then it’s also easier compared to let’s say how we use to vote where you have to write the surname of the candidate.” ani Pulse Asia Survey Research Incorporated President Dr Ronnie Holmes.

Ayon naman sa isang election watchdog, malinaw na hindi madaling dayain ang AES kaya’t naging talamak ang vote-buying sa nakaraang mga halalan.

“Vote buying became more rampant after we automated our elections because candidates, politicians did not know how to cheat the machines it’s very revealing for people to say that they did not see any cheating or vote buying in their localities”ani Lente Executive Director Attorney Ona Carritos.

Para sa Commission On Elections (COMELEC), tiwala pa rin sa otomatikong botohan maging si palitan ang smartmatic.

Patunay umano nito ang sinabi ng Pangulong Rodrigo Duterte sa kabila ng kaniyang pahayag na gusto na niyang pangulo sa kanyang State of the Nation Address (SONA) na kontento siya sa resulta ng nakaraang halalan noong Mayo.

(Aiko Miguel | Untv News)

Tags: ,