9 sa 10 Pilipino, sasalubungin ang taong 2016 ng may pagasa ayon sa Pulse Asia Survey

by Radyo La Verdad | December 29, 2015 (Tuesday) | 1600

JERICO_EXPECTATION
Mayorya sa mga Pilipino ay sasalubungin ang taong 2016 nang may pagasa base sa latest survey ng Pulse Asia .

Base sa survey na isinagawa noong Dec. 4 to 11 sa 1,800 na rehistradong botante mula labingwalong taong gulang pataas, 89 percent o nasa siyam sa sampung mga pilipino ang may nakikitang pagasa sa taong 2016.

Nasa 11 percent naman ang nagsasabing hindi nila tiyak kung mahaharap nila ang susunod na taon ng may pagasa habang 1 percent lamang ang nagsasabing walang pagasa.

Dahil dito, kinikilala naman ng Malacanang ang mataas na optimismo ng mga pilipino.

Ayon kay Presidential Communications Secreatary Herminio Coloma Jr., pagiibayuhin ng gobyerno ang pagsisikap na maghatid ng mahahalagang programa na higit pang magpapabuti at magpapaunlad sa kalagayan ng mga mamamayan at magbibigay ng dagdag na oportunidad sa hanapbuhay at kabuhayan.

Nakatulong aniya ang ipinakitang determinasyon ng pamahalaan na maging transparent , hayag at tapat ang paglilingkod upang mapatibay ang pagtitiwala ng mga mamamayan.

“At dahil din sa ipinakita niyang determinasyon ng pamahalaan na maging transparent, hayag at tapat ang paglilingkod, sa aking palagay ito ang mga elemento na nagpalakas sa kanilang kumpiyansa, ‘yung tinatawag nating recognition of the President’s personal integrity at commitment as a leader. Iyan ‘yung nagpatibay ng pagtitiwala ng mga mamamayan.” ani Coloma.

(Jerico Albano / UNTV Radio Reporter)

Tags: , , ,