9-Point Youth Covenant, nilagdaan ng ilang Senatorial candidate

by Radyo La Verdad | April 14, 2016 (Thursday) | 1009

9-Point-Youth-Covenant
Anim tumatakbong Senador ang lumagda sa 9- Point Youth Covenant.

Nilalaman ng covenant o kasunduan ang pagbibigay ng prayoridad sa pangangailangan ng mga kabataan.

Una rito ay ang libreng edukasyon sa lahat ng antas.

Sa ilallim nito ang pagtigil sa taunang pagtataas sa tuition ng mga paaralan.

Pagaalis sa other school fees na ipinapataw sa mga estudyante.

Pagpapawalang bisa sa Education Act of 1983 o ang commercialization sa mga education institutions.

Pangalawa sa kanilang kasunduan ay ang pagbibigay ng disenteng trabaho sa mamamayan lalo na sa mga kabataan.

Pangatlo ay ang genuine agrarian reform.

Pang-apat ay ang just and lasting peace.

Pang-lima ay ang pagpapalakas sa healthcare at social services.

Pang-anim ay ang environmental preservation.

Pang-pito ay ang good governance.

Pang walo at ang pagpapalakas sa internet connection sa bansa.

At ang paghuli ay ang pagpapahalaga sa national sovereignty.

Kabilang sa mga Senatorial candidate na lumagda sa kasunduan ay sina Bayan Muna Party List Rep. Neri Colmenares, Francis Tolentino, Leila de Lima, Congressman Martin Romualdez na nirepresenta ng kanyang may bahay, Rep. Sherwin Gatchalian na nirepresenta ng kanyang campain official at Mark Lapid na inirepresenta rin ng kanyang campaign manager.

Ayon sa grupo ng mga kabataan hindi na biro ngayon ang bilang ng mga hindi nakakapagaral at mga walang trabaho.

Batay sa datos sa 100 estudiyanteng papasok sa elementarya, labing-apat lamang sa mga ito ang nakakapag-tapos sa kolehiyo.

Habang nasa 12.2 milyon ang bilang ng mga walang trabaho at 7 out of 10 naman na walang trabaho ay pawang mga kabataan.

Ayon sa grupo ng mga kabataan ang siyam na punto ng kasunduang ito ay ang makakatulong sa mga kabataan upang makapagtapos ng pag-aaral at magkaroon ng maayos na trabaho.

(Grace Casin/UNTV NEWS)

Tags: