9 Patay at 145 naaresto mula nang ibalik ang Anti-Drug Operation ng PNP

by Radyo La Verdad | March 9, 2017 (Thursday) | 1872


Nakapagtala na ng siyam na casulaties ang Anti-Illegal Drug Operation ng Philippine National Police apat na araw mula nang ibalik ito.

Base sa datos ng PNP mula March 6, 2017 hanggang ngayong araw, 103 na ang naisagawang operasyon kontra droga sa buong bansa.

9 ang nasawi habang 145 naman ang naaresto.

Sa ilalim ng Project Tokhang, mahigit 1-libong bahay na ang binisita at kinatok kung saan 13 ang umaming gumagamit ng iligal na droga at kusang sumureder sa mga otoridad.

Ayon kay PNP Spokesman Pssupt Dionardo Carlos, sinisikap ng pambansang pulisya na maging less bloody ang kanilang operasyon ngayon alinsunod sa direktiba ni PNP Chief PDG Ronald Dela Rosa.

Subalit kailangan din aniyang protektahan ng pulis ang sarili laban sa mga kriminal.

Tiniyak naman ni Carlos na dumadaan din sa imbestigasyon ng Internal Affrais Service ang mga pulis na umanoy nakakapatay ng mga drug suspects upang alamin kung lumabag ang mga ito sa karapatang pantao.

Samantala hindi naman pinipilit ng pnp na sumama ang mga kinatawan ng mga religious group sa kanilang Oplan Tokhang.

Ang mahalaga aniya ay binigyan nila ito ng pagkakataon upang makita kung paano isinagawa ang kanilang operasyon.

(Grace Casin / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,