Sa Sitio Sabkil sa Barangay Loacan ay patuloy na inaayos ang mga kalsada dahil sa mga gumuhong lupa nang manalasa ang Bagyong Ompong.
Bukod sa pinsala sa imprastraktura, may naiulat ring nasawi dito dahil nadaganan ng sasakyan nang gumuho ang lupa.
Siyam na volunteer rescuers naman ang nagbuwis din ng buhay sa Barangay Loacan.
Ang mga volunteer rescuer na ito ay pawang mga simpleng residente rin ng barangay na naglakas-loob lamang na tumulong sa isang pamilya na natabunan ng lupa sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Ompong noong Sabado.
Nailigtas naman nila ang ama ng tahanan na kasalukuyang nasa ospital at ang isang anak na babae ngunit kalaunan ay nasawi rin.
Patuloy naman ang search and retrieval operation sa iba’t-ibang barangay sa Itogon, Benguet na naiulat rin na may nangyaring landslide.
( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )
Tags: Bagyong Ompong, Benguet, volunteer rescuers