9 na tauhan ng PNP-Region 9, nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga

by Radyo La Verdad | August 3, 2016 (Wednesday) | 1041

DANTE_POSITIBO
Siyam na tauhan ng Philippine National Police Region Nine ang nagpostibo sa ipinagbabawal na gamot.

Ito’y matapos ang surprise at random drug testing sa mahigit anim na libong tauhan nito sa rehiyon.

Anim sa mga nagpositibo ang iniligay sa summary dismissal habang ang hinihintay naman ang confirmatory test sa tatlong iba pa.

Ayon kay PRO9 Director PCSupt. Billy Beltran, maituturing na morale booster sa kanilang mga tauhan ang ginawang drug testing.

Samantala, sa tala ng PRO9 July 1 hanggang 31 ay umabot na sa 39, 601 ang sumukong drug dependent sa buong rehiyon.

38, 255 ang users habang 1346 naman ang pushers.

Umabot naman sa labing lima ang napapatay sa operasyon habang isang daan siyam na put walo ang naaresto.

Panawagan ng mga otoridad sa publiko na makialam sa kampanya ng pamahalaan at maaaring itawag sa kanilang tanggapan ang mga kahinahinalang mga tao sa kanilang lugar.

PRO 9 hotline numbers:

(062) 991-3003

0917-506-2000
0998-2592-531

Tags: ,