Siyam na artist ang binigyan ni Pangulong Benigno Aquino The Third ng order of national artist kaninang hapon sa seremonya na isinagawa sa Malacañang.
Ang mga bagong kinilalang pambansang alagad ng sining ay ang mga 2009 awardee na sina Fedrico Aguilar Alcuaz na isang award winning painter, binigyan rin ng posthumous award ang kilalang actor at director ng 1930’s na si Manuel Conde at si Lazaro Francisco na isa sa mga haligi ng Panitikang Pilipino.
Ang anim naman na mga bagong national artist na na-naiproklama na ni pangulong aquino noong 2014 ay sina Cirilo Bautista na isang batikang manunulat at makata, Francisco Coching na isa sa mga haligi ng Philippine Komiks Industry, Filipino composer na si Francisco Feliciano.
Alicia Garcia Reyes na kinikilalang ina ng modernong sayaw, Doctor Ramon Santos na isang batikang kompositor at cultural administrator at Jose Maria Zaragoza na isang batikang Architect noong 1950’s.
Pinasalamatan ni Pangulong Aquino ang mga bagong pambansang alagad ng sining dahil sa makabuluhang kontribusyon nito sa bansa.
(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)