Patuloy ang pag-iikot sa Calapan, Oriental Mindoro ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office upang i-asses ang epekto ng pagbaha kagabi.
Bunsod ito ng pag-apaw ng ilog sa pangalaan at Bucayao na nagdulot ng hanggang bewang na tubig baha.
Sa ngayon bumaba na ang lebel ng tubig sa mga ilog ngunit siyam na barangay pa rin ang apektado ng hanggang tuhod na baha.
Kabilang sa mga ito ay ang barangay ng Bucayao, Buhuan, Panggalaan, Nagiba, Nagiba 1, Nagiba 2, Sta. Cruz, Navotas at ang Gutad.
Ang mga pangunahing kalsada abot na lang hanggang sa bukong-bukong ang baha.
Naglilinis na rin ang mga residente sa Calapan sa kanilang mga bahay na pinasok ng tubig baha kabagi.
Samantala, nasa sampung libong pamilya ang nanatili sa mga evecuation center sa Occidental Mindoro bunsod ng malawakang pagbaha na nararanasan sa probinsya ng Occidental Mindoro.
Ayon kay Occidental Mindoro PDRRMO Mario Mulingbayan, lampas tao at lubog sa tubig baha ang maraming bahay sa bayan ng Sablayan Abra de Ilog, Sta. Cruz at Mamburao.
Apektado rin ang maraming mga pananim sa probinsiya dahil inapawan na ito ng tubig. Hindi pa tiyak ng PDRRMO kung hanggang kailan huhupa ang tubig baha.
May mga lugar pa rin na hindi napapasok ng mga rescuer dahil sa lampas tao na tubig.
( Sherwin Culubong / UNTV Correspondent )
Tags: baha, Oriental Mindoro, PDRRMO