Binulabog ang ilang residente ng Barangay 83 Guadualupe Street Morning Breeze sa Caloocan City ng sunog na sumiklab sa siyam na unit na paupahang bahay sa lugar pasado alas dose kaninang ng madaling araw.
Base sa insiyal na ulat ng Bureau of Fire Protection – Caloocan anim na bahay ang totally damaged at 3 naman dito ang partially damaged.
Dahil gawa sa light materials ang karamihan sa mga bahay, mabilis kumalat ang apoy.
Ala una bente otso ng madaling araw ng ideklerang fire-out ng BFP ang sunog na umabot lamang sa ikatlong alarma.
Nakaligtas naman sa sunog ang mahigit dalawang pung residente na nakatira sa mga natupok na bahay.
Wala ding napaulat nasawi sa insidente.
Tinatayang nasa apat na milyong piso ang halaga na naabong mga ari-arian.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad sa pinagmulan ng sunog.
Pinaalalahanan ng mga otoridad ang mga residente na lalong maging maingat lalo parating na naman ang tag-init at paguumpisa ng fire prevention sa buwan ng Marso.
(Reynante Ponte / UNTV Radio Reporter)