9 Maute stragglers, napatay ng mga sundalo kanina

by Radyo La Verdad | November 6, 2017 (Monday) | 1306

Inilibing na sa mass grave sa Brgy. Maqbara, Marawi City ang walong bangkay na narekober ng mga sundalo sa main battle area noong nagdaang linggo.

Ayon kay Abdulhamid Amerbitor, board member ng lalawigan, kabilang dito ang bangkay ng mga napatay na Maute members at sibilyan.

Samantala, bukas ay nakatakda namang ibaon na rin ang bangkay ng siyam  na straggler na napatay ng mga sundalo sa main battle area kaninang umaga.

Kasama sa mga nasawi ay si Ibrahim Maute alyas Abu Jamil na sinasabing pinsan  ng Maute brothers at supply officer umano ng grupo.

Sa kabuuan, umabot na sa 164 ang mga nailibing sa mass grave sa lungsod habang nasa 700 bangkay pa ang hindi pa narerekober ng mga otoridad.

 

( Weng Fernandez / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,