Nasa bagong Camp Bagong Diwa na sa Bicutan, Taguig City ang siyam na high-risk inmates na inilipat mula sa Davao City Jail.
Kabilang sa mga ito ang mga miyembro ng Maute Terror Group na suspek sa Roxas Night Market bombing noong Setyembre 2016.
Dalawa naman dito ay Abu Sayyaf members na suspek sa pagdukot sa tatlong foreigner at isang Filipina sa isang resort sa Samal, Davao del Norte noong Setyembre 2015.
Pinangunahan ng Special Tactis and Response o STAR team sa BJMP-XI, Task Force Davao at PNP-High Way Patrol Group Xi ang paglipat sa mga nasabing inmates.
Layunin ng paglipat na mailayo sa peligro ang lungsod sa posibleng pag-atake ng mga kasamahan ng mga itinuturing na high risk inmates.
Enero 2017 unang nagpadala ng sulat ang Davao City Jail sa Supreme Court para mailipat ang siyam na high risk inmates. Inindorso naman ito ni Mayor Sara Duterte-Carpio sa Supreme Court kaya mabilis naaprubahan.
( Janice Ingente / UNTV Correspondent )
Tags: Bicutan, Davao City Jail, high-risk inmates