9 arestado sa magkahiwalay na buy bust operation ng PNP sa Quezon City

by Radyo La Verdad | October 24, 2018 (Wednesday) | 5807

Huli ang magtyuhin na hinhinalang tulak ng ipinagbabawal na droga sa Barangay Pinyahan, Quezon City. Kinilala ang mga suspek na sina George Cagioa alyas Tatang, limampu’t siyam na taong gulang at Irish Michaela Padilla alyas Negra, trenta anyos na residente ng Barangay Pinyahan.

Dalawang linggong isinailalim sa surveillance ng Quezon City Police District ang mga suspek bago isinagawa ang buy bust operation kaninang madaling araw. Narekober sa mga ito ang sampung small heat sachet ng hinihinalang shabu at tatlong piraso ng hundred peso bill na ginamit na buy bust money at isang cellphone.

Kasama din sa nahuli ang buyer ng iligal na droga na si Romeo De Ocampo. Todo tanggi naman ang mga suspek na sa kanila ang mga narekober na iligal na droga

Ayon kay Kagawad Anthony Prodigalidad, sakit ng ulo ang iligal na droga sa kanilang barangay pero handa naman silang makipagtulungan sa mga otoridad upang masugpo ito.

Samantala, isa pang drug pusher ang nahuli sa isinagawang anti-crimanility law enforcement operation sa Barangay Pasong Tamo sa Quezon City pa rin.

Tatlong beses nang nakulong si Efren Pipen Ramo sa kasong robbery hold up.

Ayon sa suspek, pinasok niya ang pagbebenta ng droga nang masira ang kanyang pinapasadang tricycle upang matustusan ang mga pangangailangan.

Lima rin ang arestado sa isa pang buy bust operation ng PNP sa Barangay Greater, Lagro Mindanao Extension District 5, Quezon City.

Target ng pulisya ang isang hinihinalang drug pusher na nag-ooperate sa lugar.

Narekober sa operasyon ang isang SUV, motorsiklo , buy bust money , limang sachet ng hinihinalnag ilegal na droga at tatlong cellphone.

 

( Gerry Galicia / UNTV Correspondent )

Tags: , ,