89% ng Pilipino, nasisiyahan sa paraan ng paggana ng demokrasya sa PH – SWS

by Radyo La Verdad | April 24, 2023 (Monday) | 763

METRO MANILA – Nasisiyahan ang 89% ng mga Pilipino sa paraan ng paggana ng demokrasya sa Pilipinas.

Habang 60% naman ay pinipili ang “Democracy” kaysa ibang paraan o anyo ng pamahalaan.

Batay yan sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) noong December 10-14, 2022.

Sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 na respondents edad 18 pataas mula Metro Manila, Balance Luzon, Visayas at Mindanao.

Maituturing itong record- high rating sa bansa sa ilalim ng Marcos administration.

Mas mataas din ito ng 11 points kumpara sa kaparehas na survey noong April 2021 sa ilalim ng Duterte administration.

At nalagpasan din nito ang 86% rating na record ng SWS survey noong September 2016 ng Duterte administration .

Sa kaparehas din na survey, lumabas na 2 sa 3 Pilipino ang nagsasabing ang demokrasya ay palaging mas pinipili kaysa sa iba pang anyo ng pamahalaan.