Bagyong “Bavi”, posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility ngayong araw

by monaliza | March 17, 2015 (Tuesday) | 2479

PAGASA 031715

UNTV GEOWEATHER CENTER – Inaasahang papasok ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong “Bavi” ( international name) ngayong bago mananghali.

Namataan ito ng PAGASA kaninang 4am sa layong 1,400km sa Silangan ng Bicol region.

Taglay ang lakas ng hangin na 65kph at pagbugso na aabot sa 80kph.

Kumikilos ito pakanluran sa bilis na 20kph.

Papangalanan itong “Betty” sa oras na pumasok sa PAR.

Sa ngayon ay wala paring direktang epekto ito sa bansa subalit ang buong bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may papulo-pulong pag-ulan, pagkidlat at pagkulog.

Sa araw ng Huwebes o Biyerner ay posibleng dumikit ito sa Northern Luzon subalit posibleng humina pa ito dahil sa pag-iral ng malamig na hangin.

SUNRISE – 6.03am

SUNSET – 6.06pm

(Rey Pelayo / UNTV News)

Tags: , , ,