80 indibidwal patay, mahigit 1M residente naapektuhan ng bagyong Paeng – NDRRMC

by Radyo La Verdad | October 31, 2022 (Monday) | 5223

METRO MANILA – Umabot na sa 80 indibidwal ang naiulat ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na nasawi dahil sa bagyong Paeng.

Base sa datos ng ahensya, 38 ang kumpirmadong nasawi dahil sa bagyo habang biniberipika pa ang 42.

31 naman ang naitalang nawawala habang 40 ang sugatan.

Samantala, mahigit 1-M na residente ang naapektuhan ng bagyong Paeng nitong weekend.

Karamihan sa mga ito ay nasa Caraga, Cagayan Valley at Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Western Visayas, Central Visayas, Central Visayas, Zamboanga Peninsula, Davao Region, Soccskargen Caraga, Bangsamoro at Cordiellra dministrative Region.

Dahil dito nanawagan ang NDRRMC kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magdeklara ng National State of Calamity.

Isang resolusyon ang inihain ng ahensya upang magamit ang pondo ng gobyerno para sa rehabilitasyon ng mga lugar na nasalanta ng bagyong Paeng.

Ayon naman kay Pangulong Marcos, pag-aaralan nito ang naisuniteng resolusyon ng NDRRMC.

Samantala, bukod dito ay inirekomenda rin ng NDRRMC sa pangulo ang pagtanggap ng mga alok na tulong mula sa ibang mga bansa batay sa mga kaukulang pangangailangan ng Pilipinas.

(Aileen Cerrudo | UNTV News)

Tags: