METRO MANILA – 74 na sa mga nakasalamuha ng 2 Chinese Nationals na nagpositibo sa 2019 Novel Corona Virus ang nahanap na ng Department Of Health (DOH).
At ayon sa kagawaran, 8 sa mga ito ay nakitaan ng sintomas ng 2019 nCoV kaya naman kasama na ang mga ito sa 80 suspected cases ng 2019 nCoV ARD sa bansa.
Sa ngayon, ang 8 ay kasama ng iba pang Persons Under Investigation (PUI) na naka-isolate sa iba’t ibang health facility sa Pilipinas habang hinihintay pa ang resulta ng confirmatory test sa mga ito.
“May nagkaroon ng senyales, symptoms ng ubo at sipon. At ito ay nakasama na sa bilang na ating nire- report ngayon” ani Epidemiology Bureau Director IV, Dr Ferchito Avelino.
Sa kabila nito, nilinaw naman ng DOH na wala pang naitatalang local transmission ng naturang virus sa pilipinas
ibig sabihin, wala pang pilipino ang nahawaan ng 2019 ncov- ard at pawang galing sa wuhan, china ang mga nag- positibo ng naturang virus sa bansa
“The one, two are imported cases and the one who died is a statistics for China. That’s not for us because ours, zero local transmission” ani DOH Sec. Francisco Duque III.
“We want to reiterate that there is no evidence of any local transmission in the Philippines or among Filipinos at this point of time. The only two positive that we have identified here in the Philippines were among the two travellers who came from Wuhan”ani who Country Representative Dr Rabindra Abeyasinghe.
Samantala, ayon sa DOH may inaprubahan ng benefit package ang PhilHealth para sa kanilang mga miyembro members na mapapabilang sa mga Persons Under Investigation sa 2019 Coronavirus infection
As of Feb. 02, mayroon nang 17, 205 confirmed cases ng nCoV sa china at 171 naman sa iba’t ibang bansa.
Nasa 361 na rin ang nasawi dahil sa naturang sakit sa China at isa naman sa Pilipinas, ang unang fatality sa labas ng China.
(Aiko Miguel | UNTV News)
Tags: Novel coronavirus