8 mall, posibleng maging voting center sa 2016 elections

by Radyo La Verdad | September 20, 2015 (Sunday) | 1279

MOCK ELECTION
Walong mall ang nakita ng Commission on Elections na posibleng maging voting center sa 2016 elections.

Ito ay ang sumusunod:
• Ayala Malls
• Gaisano Malls
• Fisher Malls
• Megaworld Lifestyle Malls
• Pacific Malls
• Robinson Malls
• SM Supermalls
• Waltermart Community Malls

Batay sa isinagawang background check ng Comelec, walang anumang political affiliation at hindi sumuporta sa sinomang kandidato sa nakalipas na dalawang eleksyon ang may-ari ng naturang mga mall.

Ayon sa batas, hindi maaring gamitin ang isang public building o establishment bilang polling place kung ito ay owned, possessed or occupied ng isang incumbent elective public official or candidate o ng kanyang kamag-anak hanggang sa 4th civil degree of cosanguinity or affinity.

Ang sumusunod ay ang mga mall na pag-aari ng mga pulitiko:
• Gateway Malls – pag aari ng pamilya ni presidential candidate Mar Roxas
• Star Malls – pag-aari ng pamilya ni Sen. Cynthia Villar

Una nang sinabi ng Comelec na desidido itong ituloy ang pagsasagawa ng halalan sa mga mall dahil sa mas maginhawa ito lalo na para sa mga senior citizen at may kapansanan. Bukod dito, mas maayos rin ang seguridad at power supply sa mga mall.

Tags: ,