METRO MANILA – Bumaba na ng 8.18% ang 8 itinuturing na ‘focus crimes’ ng Philippine National Police (PNP) mula Enero hanggang Oktubre na mas mababa kumpara nitong nakaraang taon ayon sa ahensya.
Ang mga ito ay ang Pagpatay, Homicide, Physical Injury, Rape, Theft, Robbery, Car Theft at Motorcycle Theft.
Ayon kay PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo, mayroong 31, 864 crimes as of October na mas mababa kung ikukumpara sa 34, 702 na naitala nitong 2022.
Tiniyak naman ni Fajardo na nakaalerto ang kanilang ahensya sa nalalapit na pagtatapos ng taon.
Kaugnay nito, umaasa ang PNP na mas mabilis ang pagtukoy nila sa ikalawang suspek ng pamamaslang sa isang radio broadcaster na si Juan Jumalon.
Ayon sa opisyal, isa sa 3 suspek ay sangkot din sa shooting incident ng municipal engineer sa Calamba, Misamis Occidental nito lang ding Oktubre taong kasalukuyan.
Dagdag pa aniya, ang baril na ginamit sa pagpatay kay Jumalon ay nagtugma sa ginamit sa pagpaslang sa nasabing Municipal Engineer.
(Renee Lovedorial | La Verdad Correspondent)
Tags: Focus Crime, October 2023, PNP