8-14 na bagyo, posibleng pumasok sa PAR

by Radyo La Verdad | June 15, 2016 (Wednesday) | 2301

PAGASA
Nasa kalahatian na ang taong 2016 subalit wala paring bagyo na pumapasok sa Philipine Area Of Responsibility.

Ayon sa PAGASA, bagama’t pahina na ang ng El Niño sa dagat pasipiko ay may epekto parin ito sa Pilipinas.

Noong nakaraang buwan ay walong lalawigan pa rin ang nakakaranas ng drought o konting pag-ulan lamang.

Posible ring hanggang Hulyo ay may ilang lugar parin na makararanas ng below normal rainfall gaya ng Bataan, Zambales, Palawan at Masbate.

Karaniwan ay nasa 19-20 bagyo ang pumapasok sa PAR sa loob ng isang taon.

Ngunit hanggang Nobyembre ngayong taon ay maaring nasa 8-14 na bagyo lamang ang pumasok sa PAR at hanggang 16 hanggang sa katapusan ng taon.

Base sa climatological model ng PAGASA, mas malaki ang tsansa na sa huling bahagi ng 2016 maramdaman ang epekto ng La Niña sa bansa.

Bilang paghahanda ay nagsagawa narin ng mga training at seminar sa kanilang mga tauhan at sa mga lgu.

Nakahanda narin ang mga flood forecasting center ng PAGASA sa iba’t-ibang lugar sa bansa upang i-monitor ang 18 major at 421 principal river basins.

Mas madadalas narin ang paglalabas ng anunsyo ng pagasa kapag may paparating na bagyo sa bansa.

24 oras bago tumama sa bansa ang bagyo ay maglalabas ang pagasa ng babala kada 3 oras habang kada oras magbibigay ng update sa posisyon at taglay na lakas na hangin nito.

Gagamitin na ng pagasa ngayong taon ang signal number 5 kapag ang bagyo ay lumampas sa 220kph ang maximum sustained winds.

(Rey Pelayo / UNTV Correspondent)

Tags: ,