7M Pilipino, nananatiling walang civil registration record – PSA

by Radyo La Verdad | June 8, 2018 (Friday) | 3207

Sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA), nasa pitong milyon pa ring Pilipino ang hindi pa rehistrado kahit na may online services at serbilis outlets ito sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Aminado si Usec. Lisa Bersales ng PSA, isang hamon pa rin sa kanila ang maitala at ma-validate ang impormasyon ng bawat Pilipino lalo na sa mahihirap at liblib na mga lugar.

Target ng psa na sa loob ng dalawang taon o sa 2020 lahat ng tinatayang nasa 106 milyon na Pilipino ay makasama na sa kanilang official record.

Bahagi aniya ito ng kanilang paghahanda sa pagpapatupad ng panukalang National ID system.

Magdadagdag pa ang ahensya ng 40 serbilis outlets ang PSA para sa pag-proseso ng mga kailangang dokumento ng publiko.

Bukas naman ang hotline at website ng psa sa loob ng bente kuwatro oras upang magbigay serbisyo sa publiko.

 

( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,