79 na barangay sa Tarlac City, walang kandidato para sa SK elections

by Radyo La Verdad | May 4, 2018 (Friday) | 8933

Pitumpu’t siyam mula sa 511 barangay sa lalawigan ng Tarlac ang walang kandidato para sa darating na Sangguninang Kabataan elections.

Ayon sa Commission On Elections (Comelec), iba-iba ang naikita nilang dahilan sa biglang pagbaba ng bilang ng mga kabataang may interest na kumandidato sa darating na eleksyon.

Una na rito ang implementasyon ng anti-dynasty provision kung saan bawal tumakbo ang may kamag-anak na elected government official.

Isa rin sa nakikitang dahilan ay ang puna na nagiging ugat ng korapsyon ang Sangguniang Kabataan.

Maaari din aniyang mas gugustuhin na lamang ng mga kabataan na magkaroon ng trabaho sa mga kumpanya at kumita ng mas malaki kaysa maging SK official sa barangay.

Pinag-aaralan naman Department of the Interior and Local Government (DILG) kung ano ang maaaring remedyo sa suliraning ito.

Samantala, pinayuhan naman ng AFP at PNP ang mga kandidato na huwag magpapadala sa pananakot ng mga rebeldeng grupo na nanghihingi ng pera kapalit ng pagpayag na makapangampanya sila sa kanilang mga balwarte.

Sa ngayon ay mayroong dalawang areas of concern sa tarlac; ito ay ang Barangay Malued at Cristo Rey sa Capas.

 

( Bryan Lacanlale / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,