75,000 rehistradng botante sa Zamboanga city na hindi kumpleto ang biometrics data, papayagan nang bumoto sa 2016 elections – COMELEC

by Radyo La Verdad | November 9, 2015 (Monday) | 1448

DANTE_BIOMETRIC
Papayagan nang bumoto sa May 9, 2016 national elections ang mga rehistradong botante na hindi kumpleto ang biometrics data.

Sa bisa ng resolution number 10013 na inilabas COMELEC noong November 3, hindi na idi-deactivate sa nalalapit na halalan ang mga botanteng hindi nakakumpleto ng biometrics pati na ang mga na-corrupt o nasira ang kanilang impormasyon sa database.

Ayon kay Zamboanga Election Officer 1 Atty.Lerdo Matildo, malaking bagay ang nasabing resolusyon dahil nasa 75,000 botante sa Zamboanga city ang hindi kumpleto ang biometrics data.

Forty-one thousand (41,000) dito ang mula sa district one habang thirty-four thousand (43,000) naman sa district two.

Nasa eighteen percent (18%) ito ng kabuoang botante ng Zamboanga city.

Nasa 105,000 ang kabuuang bilang ng mga rehistradong botante na kulang at walang biometrics data ngunit mahgit 16, 000 dito ang nakapag-update sa huling dalawang linggo ng pagpaparehistro.

Nasa labing-apat na libong botante naman sa lungsod ang kanilang tatanggalin sa book of voters at ilalagay sa deactivated voters registration records dahil sa kawalan ng biometrics alinsunod sa Republic act 10367.

Ipapaskil ang mga pangalan ng mga ito sa labas ng tanggapan ng COMELEC matapos ang gagawin nilang Election Registration Board o ERB hearing ngayong buwan.(Dante Amento/UNTV Correspondent)

Tags: , , , , ,