75% Barangay Development Program Fund, naipamahagi na sa LGUs – DILG

by Erika Endraca | May 18, 2021 (Tuesday) | 1635

METRO MANILA – Naipamahagi na sa Local Government Units (LGUs) ang kabuuang P12.3-B para sa recipients ng Barangay Development Program(BDP).

“75% of the total budget, have been released to recipient Local Government Units as of May 12” ani
DILG Undersecretary Jonathan Malaya.

Dagdag ni Malaya na mismong Department of Budget and Management(DBM) ang magre-release ng pondo kung saan ito may panuntunan na dapat sundin at kumpletuhin ng mga recipient LGUs bago magsagawa ng fund release.

Sa ilalim ng programa , ang bawat barangay na benepisaryo ay tatanggap ng tig P20-M para
sa paggawa ng concrete roads, school buidings, health stations, water and sanitation at
mga livelihood assistance.

Sa kasalukuyan ay nasa 782 mula 822 na mga barangay na ang nabigyan ng pondo sa endrosement narin ng kani-kanilang Joint Regional Task Force-ELCAC.

(Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspondent)

Tags: ,