Nakabalik na sa Pilipinas ang higit pitumpung repatriated Overseas Filipino Workers mula sa Kuwait ngayong umaga.
Ang mga ito ay ang mga kababayan nating napauwi sa Pilipinas dahil sa amnestiyang ipinagkaloob ng Kuwait government.
Karamihan sa kanila ay mga kinupkop sa Bahay Kalinga ng OWWA sa Kuwait matapos magkaroon ng problema sa kontrata at ang iba naman ay nag-over stay sa Kuwait.
Maglalaan ng pansalamantalang akomodasyon ang Overseas Workers Welfare Administration para sa mga ito lalo na iyong mga wala pang sundo.
Bibigyan din ng pamasahe ang mga OFW pauwi sa kani-kanilang mga probinsya. Ito na ang ikatlong batch ng mga OFW na napauwi galing Kuwait.
Noong Feb. 2 at Feb. 4 ay may ilang daan na ring OFW ang napauwi sa Pilipinas. Sa darating namang February 14 ay 105 pang OFW mula sa Kuwait ang darating sa bansa.