Sang-ayon ang 73% ng mga pilipino sa pagkakaroon ng national ID batay sa pinakahuling ulat ng Social Weather Stations (SWS) survey.
Samantala, 18% naman ang hindi sang-ayon at 9% ang hindi alam ang kanilang stand hinggil sa isyu.
Ginawa ang survey mula ika-27 hanggang ika-30 ng Hunyo 2018 sa 1,200 respondents sa buong bansa.
Bukod dito, tatlo rin sa bawat limang Pilipino ang naniniwala na kapaki-pakinabang para sa kanila ang pagkakaroon ng national ID.
61% din ang tiwala sa pamahalaan na mapapangalagaan nito ang private information sa pagkakaroon ng national ID samantalang 49% naman ang naniniwalang hindi ito gagamitin ng pamahalaan laban sa mga oposisyon.
Tags: national ID, SWS