METRO MANILA – Nakapagtala ang Pilipinas ng mahigit sa 72,000 kaso ng dengue sa bansa sa unang 6 na buwan ng taong 2023.
Batay sa datos ng Epidemiology Bureau ng Department of Health (DOH), mula Enero 1 hanggang Hunyo 17, 2023 lamang ay nasa 72,333 ang dengue cases na kanilang naitala sa bansa.
Ayon sa DOH, nasa 249 naman ang kumpirmadong nasawi dahil sa dengue.
Nabatid na pinakamarami pa ring dengue cases ang naitala sa National Capital Region (NCR).