70,000 PNP personnel, ide-deploy sa buong bansa ngayong mahabang bakasyon

by Radyo La Verdad | March 31, 2017 (Friday) | 5418


Nakahanda na ang Philippine National Police sa ipatutupad nilang seguridad ngayong mahabang bakasyon.

Ayon kay Directorate for Operations- Public Safety Division Chief PSSupt. Eugene Paguirigan, magsisimula ang deployment nila ng 70 libong tauhan sa April 7 na siyang umpisa rin ng summer vacation hanggang June 13 sa muling pagbubukas nang klase.

Mayroon ding 92 libong force multiplier na tutulong sa kanila mula sa mga barangay upang magbantay laban sa mga kawatan.

Ang naturang mga pulis ay ipakakalat sa mga matataong lugar upang maiwasan ang krimen.

Paalala ng PNP sa mga bakasyunista, iwasan ang pagsi- selfie at pagpopost sa social media kung saan sila magtutungo upang hindi mabigyan ng idea ang mga kawatan na walang tao sa inyong mga tahanan.

Ibilin din sa kapitbahay ang maiiwang tahanan at kung kelan makababalik.

Dagdag pa ni Paguirigan, ipinauubaya na nila sa mga regional directors ang pagtataas nang alerto depende kung may nakikitang banta sa seguridad ang mga ito sa kani- kanilang nasasakupan.

(Lea Ylagan)

Tags: , ,