Paigtingin ang kapasidad ng mga lokal na pamahalaan, isulong ang pagbabakuna, gamitin ang lahat ng government assets at magpataw ng parusa kung kinakailangan, ito ang mga direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte upang maabot ang mahigit one million doses vaccination rate araw-araw ayon kay National Task Force Against Covid-19 Chief Implementer at Vaccine Sec. Carlito Galvez.
Giit din ng opisyal, plano ng pilipinas na mabakunahan ng first dose ang 70 percent target population bago matapos ang Nobyembre. Katumbas ito ng 54 na milyong mga Pilipino. At sa katapusan naman ng Disyembre ngayon taon, ito rin ang bilang ng dapat mabakunahan na ng full dose.
Ayon kay Sec. Galvez, magkakaloob ang National Government ng insentibo sa lgus na may pinakamataas na accomplishments samantalang may sanctions naman sa mga mahina ang performance sa pamamahagi at pagtuturok ng mga bakuna.
Samantala, itinakda naman ng NTF ang huling linggo ng Nobyembre bilang national vaccination days.
Sa mga araw na ito, isasagawa ang simultaneous vaccination activities upang makapagbakuna ng hindi bababa sa five million doses.
Sa pinakahuling datos ng pamahalaan, 28.7 million na ng mga Pilipino ang fully vaccinated o 37.23 percent ng target population.
Rosalie Coz | UNTV News
Tags: COVID-19 Vaccine, National Task Force Against Covid-19 Chief Implementer, President Rodrigo Duterte, Sec. Carlito Galvez