70 kilo mishandled meat, nakumpiska sa anim na tindahan sa Commonwealth Market

by Radyo La Verdad | September 11, 2018 (Tuesday) | 1873

Kinumpiska ng mga tauhan ng Quezon City Veterinary Department ang pitumpong kilo ng mishandled na karne sa ilang stalls sa Commonwealth Market kaninang alas tres ng madaling araw.

Anim na tindahan ang nakitang lumabag sa patakaran ng pag-iimbak ng karne kung saan dapat ay nakalagay sa freezer.

Ayon sa city veterinarian na si Anna Marie Lavel, nakasasama sa kalusugan kung hindi tama ang pag-iingat ng vendor sa mga itinitindang karne.

Aniya, kahit kumpleto sa papeles ang mga may-ari ng pwesto ng mga nasabing karne katulad ng NMIS certificate ay kanila pa rin itong kukumpiskahin kapag wala sa maayos na lagayan.

Dinala na sa Quezon City Hall ang mga nakumpiskang karne para i-dispose.

Samantala, pinuntahan din ng mga otoridad ang Novaliches Market pero tila nakatunog umano ang mga nagtitinda ng mishandled meat kaya walang naabutan kahit isa.

Ang pag-iinspeksyon sa mga karne ay bahagi ng paghihigpit ng City Veterinary Department lalo na at palapit na ang holiday season.

 

( Reynante Ponte / UNTV Correspondent )

Tags: , ,