7 sa 10 pilipino, makaboboto sa 2016 elections – SWS survey

by Radyo La Verdad | September 14, 2015 (Monday) | 1429

VOTERS
Kumpara noong 1st Quarter ng 2015, tumaas ng isang porsyento bilang ng mga pilipinong makaboboto ngayong 2nd Quarter ng 2015 ayon sa Voter Validation Survey ng Social Weather Stations

76 percent na mga pilipino o nasa 46 milyon na rehistradong botante ang na-validate na o nakapagsumite na ng biometric data sa Commission on Elections at kuwalipikadong bumoto sa darating na eleksyon.

Sa kabila nito ay malaking bilang parin ang 24% ng mga pilipino ang nanganganib na hindi makaboto sa darating na 2016 national elections.

16 percent rito ay mga rehistradong botante ngunit hindi pa nakakapagpa-validate sa Comelec.

Nasa 8 percent naman ang hindi nagkakapag-parehistro para sa 2016 elections.

Sa tala naman ng Comelec, 52 milyon na ang qualified voters at 3.5 million naman ang walang biometrics.

Sa ilalim ng Republic Act Number 10367 at Comelec Resolution Number 9721, kinakailangan na ang isang botante ay magpa-validate sa pamamagitan ng Biometrics upang makaboto sa May 2016 elections.

May hanggang October 31 na lamang ang mga botante upang makapagpa-biometrics . (Nel Maribojoc / UNTV News)

Tags: