7 rehiyon at 104 munisipalidad na posibleng masalanta ng Bagyong Butchoy, inalerto na ng NDRRMC

by Radyo La Verdad | July 6, 2016 (Wednesday) | 1541

IMAGE_FEB212013_UNTV-News_NDRRMC
Batay sa hazard impact analysis ng Department of Science and Technology Project Nationwide Operational Assessment of Hazards, sa worst case scenario, maaaring makaranas ang pitong rehiyon at 104 na munisipalidad sa bansa ng pagbaha at landslide dahil sa walong araw na posibleng pag-ulan.

Posibleng maaapektuhan ang mga probinsya ng Mindoro, Bataan, Zambales, Pangasinan, Benguet at Panay Island.

Kahapon, itinaas sa Blue Alert Status ang National Disaster Risk Reduction and Management Council Operations Center.

Nakapagsagawa na rin ng tatlong pagpupulong ang NDRRMC hinggil sa Pre-Disaster Risk Assessment o preparasyon ng mga ahensya ng pamahalaan sa kalamidad.

Araw-araw ng may nakastandby na mga tauhan ng member agencies ng NDRRMC sa Camp Aguinaldo upang i-monitor ang bagyo, impact nito at kahandaan ng mga lokal na pamahalaan.

Higit apat na milyong piso naman ang standby funds at higit limang milyong piso ang halaga ng food at non-food items o katumbas ng 356 thousand food packs ang inihanda na o prepositioned ng DSWD.

Patuloy namang nagpaalaala ang NDRRMC na wag magwalang bahala sa ulat ng panahon at magiging epekto ng Bagyong Butchoy lalo sa paparating na weekend.

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,