7 pulis na sangkot sa bagong kaso ng robbery-extortion sa 3 Koreano sa Pampanga, hawak na ng PNP Region 3

by Radyo La Verdad | January 24, 2017 (Tuesday) | 1120

GRACE_SANGKOT
Hawak na ngayon ng PNP Region 3 ang pitong pulis na suspek sa isa na namang kaso ng extortion sa tatlong Korean national na narito sa bansa para lang magbakasyon at maglaro ng golf noong Disyembre.

Ayon kay PNP Region 3 Director PC/Supt. Aaron Aquino pinasok ng pitong pulis ang bahay ng tatlong Koreano para magsagawa ng opersyon sa umanoy illegal online gaming.

Hiningan ng mga suspek ang mga biktima ng 200-libong piso at ninakaw pa ang mga personal na gamit ng mga ito.

Dahil sa takot unang nagreport ang mga biktima sa Korean embassy dahil mga pulis umano ang sangkot sa insidente.

Hindi na nagsampa pa ng kasong kriminal ang mga biktima subalit nag-iwan sila ng kanilang affidavit bago tuluyang umuwi sa Korea.

Ito naman ang gagamitin ng pnp para sa kasong administratibo na isasampa sa mga pulis na suspek.

Pinaiimbestigahan na rin ngayon ni PNP Chief Ronald Dela Rosa kung ang mga nahuling pulis ay may kaugnayan sa grupo ni SPO3 Ricky Sta. Isabel.

Una nang sinabi ng hepe ng pambansang pulisya na walang cover up na mangyayari sa mga pulis na mapapatunayang sakong sa mga iligal na aktibidad.

(Grace Casin / UNTV Correspondent)

Tags: ,