7 patay, 26 sugatan engkwentro ng militar at ASG sa Sulu

by Radyo La Verdad | June 23, 2016 (Thursday) | 784

AFP
Patay ang pito habang sugatan naman ang sampung miyembro ng bandidong Abu Sayaff Group, sa panibagong engkwentro sa militar sa Patikul, Sulu.

Samantala, labing-anim naman ang nasugatan sa panig ng militar.

“Nasa Western Mindanao Command sila sa Camp Navarro General Hospital at pinarangalan din sila ng wounded personnel medal ng no less than ni Secretary of National Defense Voltairegazmin.”
Pahayag ni AFP WestMinCom Spokesperson Maj Felimon Tan Jr.

Sa ulat ng AFP Western Mindanao Command, pasado alas-dos ng hapon noong martes nakasagupa ng puwersa ng Philippine Army 32nd Infantry Batallion ang tinatayang nasa dalawandaang miyembro ng Abu Sayyaf sa Sitio Budduwa Bayho, barangay Pansol.

Tumagal ng isa at kalahating oras ang palitan ng putok bago umatras ang mga bandido.

Sa ngayon, tuloy ang pagtugis ng AFP sa bandidong grupoupang mailigtas ang hawak pa nilang mga bihag.

(Dante Amento/UNTV Radio)

Tags: