7 pang akusado sa P6.4 Billion shabu smuggling case, tinutugis na rin ng NBI

by Radyo La Verdad | February 2, 2018 (Friday) | 3781

Kahapon, inaresto na ng NBI ang customs broker na si Mark Taguba at inilipat ito sa detention cell ng NBI. Dating nasa kustodiya ng senado si Taguba dahil testigo ito sa kanilang imbestigasyon sa naturang kaso.

Pitong kapwa-akusado pa ni Taguba ang ipinaaaresto na rin ng Manila Regional Trial Court.

Ayon kay NBI Spokesman Ferdinand Lavin, bukas naman sila kung magkukusang sumuko ang mga ito.

Samantala, wala pang arrest warrant na inilalabas ang korte para sa negosyanteng si Richard Tan. Nakabinbin pa ang mosyon nito na ipawalang-bisa ang kasong sinampa ng Department of Justice.

Tiwala naman si Taguba na malulusutan niya ang kaso dahil wala umano siyang kasalanan. Bukas din ito na maging testigo ng gobyerno gaya ng kung paanong tumestigo siya sa mga pagdinig ng senado.

Ngayong umaga, didinggin ng korte ang hiling ni Taguba namanatili sa kustodiya ng NBI habang nililitis ang kanyang kaso.

 

( Roderic Mendoza / UNTV Correspondent )

 

Tags: ,