Sinagip ng Patrol Craft (PC 388) ang 7 mangingisda sa hilagang-kanluran ng Silaqui Island, Pangasinan matapos masiraan ng makina ang sinasakyan nilang bangka noong Agosto 25.
Nakatanggap ang Philippine Coast Guard (PCG) sa Pangasinan ng report na 7 mangigisda ang naitalang nawawala matapos mangisda sa 15 nautical miles sa hilagang-kanluran ng Bolinao, Pangasinan.
Umaksyon agad ang PC 388 ng Naval Forces Northern Luzon upang magsagawa ng search and rescue operation.
Natagpuan ang 7 mangigisda na nakasakay sa FB Sea Hunter na 13 nautical miles sa hilagang-kanluran ng Silaqui Island. Agad na sinagip ang mga ito at isinailalaim sa health screening bilang pagtugon sa health protocol dahil sa banta ng COVID-19.
Binigyan din ng pagkain at tubig ang mga nasagip na mangingisda samantalang ang bangka ng mga ito ay ibinalik pauwi sa Bolinao, Pangasinan.
Pinuri ni Captain Francisco G. Tagamolila, Commander of Naval Forces Northern Luzon ang PC 388 troops dahil sa mabilis nitong pag-aksyon na nagbunga upang mailigtas ang buhay ng 7 mangigisda.
Sa pahayag naman ni Northern Luzon Command Chief at concurrent Commander ng Area Task Force- North (ATF- North), Lieutenant General Arnulfo Marcelo Burgos Jr., sinabi nito na bukod sa mga tungkulin ng ATF- North na pagbabantay at pagtatanggol sa hilagaang teritoryong pantubig ng bansa, tungkulin din nila na protektahan ang kaligtasan ng bawat mangingisdang naglalayag sa dagat upang maghanap-buhay.
(Evangelyn Alvarez | La Verdad Correspondent)
Tags: pangasinan