7 mangingisda mula sa Pangasinan na nawawala, na-rescue sa karagatang sakop ng Currimao Ilocos Norte

by Radyo La Verdad | October 12, 2015 (Monday) | 2724

currimao

Pito sa labintatlong mangingisda mula sa pangasinan na unang napaulat na nawawala sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong kabayan ang nasagip noong sabado ng isang commercial vessel sa karagatang sakop ng Currimao, Ilocos Norte.

Ang mga na-rescue na mangingisda ay sina:
Ronnie Boy Maratas
Rowel Bagor
Joey Barrientos
Ricardo Cas
Jose Ronnie Bagor
Nelson Bagor
Edmar Espina

Kwento ng isa sa mga nasagip, winasak ng malakas na alon ang kanilang banka sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong kabayan at syam na araw silang palutang-lutang sa karagatan sakay ng sirang bangka.

Kumakain na lamang umano sila ng mga damong dagat at maliliit na isda at umiinom ng tubig dagat.

Nakarating ang mga mangingisda sa Poro Point sa San Fernando La Union pasado ala una y media ng hapon at pagkatapos ay agad na dinala sa ospital upang ma-check up.

Isa sa mga ito ang kasalukuyang naka- confine pa rin dahil sa matinding panghihina, habang nakalabas naman kaagad ang anim.

Kabilang ang pitong na na-rescue sa 222 mangingisda mula sa pangasinan na unang napaulat na nawawala sa karagatang sakop ng West Philippine Sea dahil sa bagyong kabayan.

215 sa mga ito ang natagpuan, isa ang nasawi at anim pa ang patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad.

(Toto Fabros UNTV News Correspondent)

Tags: , ,