7-day positivity rate ng Covid-19 sa NCR, bumaba pa sa 7.8% – OCTA

by Radyo La Verdad | November 10, 2022 (Thursday) | 2194

Batay sa datos ng OCTA Research group,  nalaman na hanggang noong Nobyembre 8, ang positivity rate ng Covid-19 sa NCR ay nasa 7.8% na lamang. Ito ay pagbaba mula sa dating 9.5% na naitala sa rehiyon noong Oktubre 31.

Ang positivity rate ay ang porsiyento ng mga taong nagpopositibo sa sakit mula sa kabuoang bilang ng mga taong isinailalim sa pagsusuri.

Ang reproduction number naman sa NCR ay nananatiling low sa 0.75 na lamang hanggang noong Nobyembre 5.

Ang reproduction number ay ang bilang ng mga taong maaaring ihawa ng sakit ng isang pasyente.  Ang reproduction number na mas mababa sa 1 ay indikasyon ng mabagal na hawahan ng virus.

Samantala, ang Average Daily Attack Rate o ADAR sa rehiyon ay nasa 1.54 per 100,000 na lamang hanggang Nobyembre 8, na may one week growth rate na -29%.

Nananatili pa rin aniya sa low ang healthcare utilization rate sa rehiyon na nasa 26% na lamang hanggang noong Nobyembre 7.

Ayon kay OCTA Research group fellow Dr. Guido David, kung magpapatuloy ang kasalukuyang trends ay magreresulta ito sa pagkakaroon na lamang ng less than 5% na positivity rate at pagkakaroon na lamang ng halos 100 bagong kaso ng sakit kada araw sa rehiyon pagsapit ng katapusan ng Nobyembre.

Tags: , ,