7 Chinese national, huli sa operasyon sa isang underground shabu laboratory sa Magalang, Pampanga

by Radyo La Verdad | September 7, 2016 (Wednesday) | 1366

JOSHUA_CHINESE-NATIONAL
Pasado alas onse kaninang umaga nang lusubin ng Philippine Drug Enforcement Agency at Philippine National Police sa bisa ng search warrant ang isang piggery sa Barangay Ildefonso, Magalang, Pampanga.

Nahuli ng mga otoridad ang pitong Chinese national na may mga kasamang 5 menor de edad.

Kinilala ang mga ito na sina Leuy Chang 28 years old, Philip Chang 31 years old, Wang Zhou Chen 42 years old, Alvin Wang 41 years old, Xiao Po, Sonny Si, Susan Xu.

Ayon kay NCR PDEA Director Wilkins Villanueva, front lamang ang piggery ngunit ang totoo ay pagawaan ito ng shabu.

May underground sa lugar na kung saan ay may mga finish products na ng shabu na idedeliver na sa ibang lugar.

Bago rin ang mga kasangkapan na ginagamit sa laboratory.

Air conditioned rin ito kaya di mo aakalain na may pagawaan ng shabu dito sa liblib na lugar sa bayan ng Magalang.

Dalawang buwang nagsgawa ng surveillance ang PDEA sa lugar batay narin sa nakuha nilang isang impormante.

Ayon sa mga otoridad dalawang taon ng nakatira sa lugar ang mga Chinese national.

(Joshua Antonio / UNTV Correspondent)

Tags: , ,