7 bayan sa Pampanga, inatasan na magsagawa ng pre-emptive evacuation

by Radyo La Verdad | December 17, 2015 (Thursday) | 5436

PAMPANGA-RIVER'
Pasado alas onse kagabi ng tumigil ang pagbuhos ng malakas na ulan dito sa lalawigan ng Pampanga

Ngunit nababahala naman ang lokal na pamahalaan dahil sa tuloy-tuloy na pagtaas ng tubig ng Pampanga River

Ayon sa latest Pagasa flood bulletin para sa Pampanga River Basin, ang pagtaas ng tubig sa mga ilang bahagi ng Pampanga River ay sanhi ng pagbaba ng tubig mula sa Nueva Ecija na malaking posibilidad na magpabaha sa maraming barangay sa Pampanga

Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, kung magtutuloy-tuloy ang pagtaas ng tubig ng Pampanga River at aapaw ito ay nasa walumpung barangay sa pitong bayan ng Pampanga ang malulubog sa tubig baha.

Ito ay sa mga lugar ng bayan ng Arayat, Candaba, San Luis, San Simon, Apalit, Macabebe at Masantol.

Dahil dito inatasan ng PDRRMO ang mga barangay officials na malapit sa Pampanga River na mag-monitor palagi sa sitwasyon sa kanilang lugar lalu na ang water level ng Pampanga River at maghanda sa pagbaha.

Ipinahayag rin ng PDRRMO sa kanilang mga nasasakupan na magsagawa na ng pre-emptive evacuation sa mga low lying high risk areas.

Ngunit sa kabila ng babala ng lokal na pamahalaan ay may mga residenteng ayaw pa rin umalis sa kanilang bahay na malapit lamang sa Pampanga River.

Samantala, naka blue alert status pa rin and Regional Disaster Risk Reduction and Management Office sa Central Luzon kaugay pa rin sa bagyong Nona.

Ibig sabihin nito ay halos limampung porsyento ng kanilang personnel ay nakahanda na sakaling mangangalaingan ng tulong ang mga residente.

Naka-activate na rin ang emergency operations center para sa ikabibilis ng pagpapasa ng mga report mula sa pitong lalawigan ng Region 3.

(Joshua Antonio/UNTV News)

Tags: ,